Friday, May 19, 2006

Young Actor kapit sa patalim

MUKHANG kapit na nga sa patalim ang isang young male star. Sinasabi raw nito ngayon na kung may darating sa kanyang offer kahit na bold pa iyon ay payag na siya.

Tutal matured na naman siya. Pero ang ipinagtataka namin, bakit niya naiisip ang bagay na iyon samantalang napaka-wholesome ng image niya dati? Nakapanghihinayang naman siya. May talent siya at guwapo naman talaga.

Ang problema nga lang ay medyo naipit noon ang pagbibigay ng build up sa kanya dahil hindi naman siya nakipaglaban ng palakasan sa kanilang network noon.

SOURCE: Article from People's Taliba

Tuesday, May 16, 2006

Tambay na.. Nagpapahada pa..

Tambay pala ng Ali Mall ang isang bagets na ’di artista, pero kilala na ng mga televiewer, dahil araw-araw napanonood. Pahada daw ito sa bading, sabi sa amin ng isang kakilala.

“Na-meet siya ng friend ko sa Sun City, sa Cubao. Du’n siya tambay. “Inum-inom, tapos, ‘yun na, nai-check-in na siya ng friend ko. Bale five-o-o lang (P500) dapat ang pay, pero six-o-o (P600) ang hiningi, dahil pamasahe pa raw niya.

“Laila Dee (nakahiga lang, not moving) lang daw sa kama. Reggie Regalado (as in, regular lang ang size), pero mabango raw ang notes, in fairness!” Pinayagan pa nga raw ng bagets na makunan ng video sa celfone ang “panghahada” sa kanya ng bading, eh. Clue? Definitely, hindi ito mababasa o mababalitaan ng bagets, dahil wala siyang tv, radyo, diyaryo o celfone sa kinalalagyan niya ngayon.

Ang name niya? Kuwentahin n’yong maigi, dahil baka magkamali kayo.

SOURCE: Article by Ogie Diaz of Journal News

Sunday, May 14, 2006

Komedyante Mabantot ang Hininga...

Alam kaya ng isang kilalang komedyante na usap-usapan sa workplace niya ang pagkakaroon niya ng mabahong hininga?

Nagiging running-joke na sa pinagtatrabahuhan ni komedyante ang kanyang kapintasan. Tuwing makikita siya ng kanyang mga kasama, pinagtatawanan siya.
Matagal nang usap-usapan na may halitosis ang komedyante at kahit ang mga hindi aware, kapag nalaman nila ay pinandidirihan na siya.
Iyong mga kausap ni komedyante na ayaw malanghap ang hininga niya ay dumidistansya sa kanya.

Bongga ang pakikipag-okrayan minsan ng komedyante sa isang live guest.
Sey ni komedyante, wala nang mapag-usapan sa guest dahil wala itong kuwentang kausap.
Biglang nag-dialogue ang guest na pag-usapan na lang ang hininga ng komedyante.
May karelasyon ang komedyante. Hindi kaya naamoy ng kanyang dyowa na mabaho ang hininga ni komedyante?

Dialogue sa amin ng aming source, paanong maamoy ng dyowa ni komedyante ang hininga nito eh mabantot din ang hininga ni dyowa?
Kapag kahalikan ni dyowa si komedyante, parang hininga lang niya ang naamoy niya… kaya dedma!

SOURCE: Article by Rey Pumaloy of Abante Tonite

Aktes Nagbago ng Magka-anak

Mother’s Day ngayon kaya ang tema namin ay tungkol sa isang magandang aktres na ang trato noon sa ina ay di gaanong maganda.

Lagi itong nakasinghal at parang bale wala lang yun sa kanya lalo na kapag tensyonado kung may shows, taping o siyuting. Pero nang magkaanak ito ay nagbago ang pakikitungo sa ina, bumait ito at nagkaroon ng malaking malasakit sa ina.

Ibinili niya ito ng bahay at alagang-alaga ang kanyang kalusugan. Totoo nga ang sinasabi ng karamihang ina na kapag nagkaroon na ng anak ang kanilang mga supling ay dun nila mari-realize ang paghihirap ng kanilang ina kaya gumaganda na ang kanilang pakikitungo dito.